Pilosopo Story Lugar

Pilosopo story lugar

Answer:

Ang pilosopo ay

Explanation:

Kwentong Bayan: Ang Pilosopo (Kuwentong Maranao)  

Noon ay may isang bayan kung saan ang mga mamamayan ay naging sunud-sunuran dahil sa takot sa batas. Isang araw, napagpasiyahang mamasyal ng kanilang pinunong si Abed sa bawat bahay ng kaniyang nasasakupan upang kaniyang makita kung sino ang mga nagugutom at naghihirap upang ito ay kanyang matuungan.  

Napansin ni Subekat na naglalakad si Abed araw-araw upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap. Kaagad itong kumuha ng bato at isinalang sa kalan upang mabigyan ng pagkain. Dumating si Abed sa kubo at binati nito si Subekat.  

Tumingin sa paligid si Abed at nakita niya ang kaldero na mayroong nilagang bato. Sinabi ni Subekat na kunini niya kinaumagahan ang kaniyang parte dahil maryoong itinabi para sa kanya.  

Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pangtanghaliang pagdarasal). Matapos nito ay tinanong ni Abed kung sino ang wala sa kaniyang mga nasasakupan. Sinabi nilang wala si Subekat. Pagkatapos nito ay ipinina-alam ni Abed sa mga tao na siya ay aalis upang magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang mattitrang bakante para sa susunod na henerasyon.  

Nang papaalis na siya, dumating si Subekat at sinabing sasama ito. Sinabi ni Abed na maaring sumama si Subekat kahit hindi pa ito nagdasal. Pag-alis nila, napagtanto ni Abed kung kasama ba talaga si Subekat o hindi.  

Hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong singlaki ng kaniyang hinlalaking daliri.  

Matapos ang mahabang paglaakbay, nagpahinga ang pangkat at naghugas upang magdasal. Hindi sumama si Subekat.  

Pagkatapos magdasal ay iniutos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan nila ito, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay napakaliit na bato ay nagutom dahil sa liit ng kaniyang tinapay.  

Nang paalis na sila, sinabi ulit ni Abed na bawat isa ay magdala ng maliit lamang na bato, sumunod ang lahat bukod kay Subekat na nagdala ng malaking bato.  

Nang makarating na sila sa kanilang paroroonan, sinabi ni Abed na ihagis ng bawat isa sa kanila ang bato at ito ang lupang matatamo ng bawat isa. Si Subekat ay nagkaroon lamang ng lupang sinlaki ng bilao dahil hindi niya maihagis ang kaniyang bato.

Doon lamang nahulugan ng bato ang kanyang nakuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kaniyang nakuhang lupa. Dahil dito sinabi ni Abed sa kaniya na hindi ito sumusunod sa patakaran. Sinabi pa nito na dahil siya ay suwail, wala siyang magandang kinabukasan.

Read more on Brainly.ph - brainly.ph/question/319218#readmore


Comments

Popular posts from this blog

Importance Of Physics In Our Daily Life?