Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya
Maikling Tula tungkol sa pamilya
Pamilya,
Napakasimpleng salita
Ngunit napakalaki ng halaga
Kung saan unang nakarinig ng "mahal kita"
Kung saan nahubog ang pagkatao mula pagkabata hanggang sa pagtanda
Kaagapay mula sa unang tawa at pagbigkas ng unang salita
Nasilayan ang unang paghakbang ng mga paa
Nakita ang unang pagkabigo at unang pagkadapa
Pero nandiyan upang bigyang lunas ang sakit na nadarama
Sama-sama sa pagharap ng mga hamon
Iaabot ang mga kamay upang ikay tulungang bumangon
Iaahon mula sa pagkalugmok at pagkabigo
At ang mga luha ay ipinapatuyo at aalalayang muling tumayo
Kaya huwag mag-alala
Sasamahan ka nila
Sa hirap at ginhawa
Ikay sasaluhin nila
Comments
Post a Comment