20 Na Bugtong Plsssssss

20 na bugtong plsssssss  

Explanation:

Narito ang 20 Halimbawa ng mga Bugtong.  

Ang matapat kong alipin, sunod ng sunod sa akin. Sagot: Anino  

Dalawang magkapatid, nag-uunahan ng bait. Sagot: Paa  

Isang bundok, hindi makita ang tuktok. Sagot: Ilong  

Ang dalawa'y apat na; ang maitim ay maputi na; ang malayo'y malapit na; ang bakod ay lagas na. Sagot: Matanda (Pagtanda)  

Ako'y may pitong bintana, tatlo lamang ang aking naisasara. Sagot: Ulo (at ang pitong bahagi nito)  

Nagsaing si Lucas, kinuha ang hugas; itinapon ang bigas. Sagot: Gata ng Niyog  

Binatak ko ang baging, bumuka ang tabing. Sagot: Payong  

Maliit na bahay, puno ng mga patay. Sagot: Posporo  

Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw. Sagot: Kampana

Pinipingot ko na, nagbibigay pa. Sagot Gripo

Heto na si Kaka, may sunong na dampa. Sagot: Pagong  

Maliit pa si Huli, marunong nang manahi. Sagot: Gagamba  

Kahoy ko sa Marigudon, nagsasanga'y walang dahon. Sagot: Sungay ng Usa  

Baston ng kapitan, hindi ko mahawakan. Sagot: Ahas  

Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal. Sagot: Manok  

Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan. Sagot: Saging  

Nang ihulog koy buto, nang hanguin koy turumpo. Sagot: Singkamas

Nakayuko ang reyna, hindi nalalaglag ang korona. Sagot: Bayabas  

Isda ko sa Mariveles, nasa loo bang kaliskis. Sagot: Sili  

Kung bayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay. Sagot: Dahon ng Makahiya

Para sa karagdagan pang mga halimbawa ng bugtong, pakisuyong i-click ang link sa ibaba:  

brainly.ph/question/553881

Ano ang Bugtong?

Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na may dobleng kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (kung minsan tinatawag din na palaisipan ang isang bugtong). Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora para ilarawan ang isang bagay na ipapahula. Kaya nangangailangan ito ng katalinuhan at maingat na pag-iisip para mahulaan ang tanong o palaisipan. Sa panitikang Pilipino, inilalarawan nito ang ating mga pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong kapaligiran ng mga Pilipino. Karaniwan sa bugtong Pilipino na umpisahan ang isang bugtong sa pagsasabi muna ng katagang "Bugtong-bugtong" bago sabihin ang aktuwal na bugtong, at madalas na ang mga salita ay tugma o magkakatunog ang bigkas sa dulo. Isang halimbawa ang sumusunod:  

"Dumaan si Superman,

Nabiyak ang Daan."

Sagot: Zipper

Ang mga bugtong ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay noon ng ating mga ninuo. Libangan ito ng mga bata maging ng mga nakatatanda haggang sa ngayon. Kung minsan ay ginagamit ito sa burol ng patay kasama ng iba pang palaro. Natutulungan nito na mahasa ang ating isipan sa pamamagitan ng malalim na pag-iisip. Kaya't ang bugtong ay masasabi din na nakapaghahanda sa atin para makagawa ng mga mahahalagang desisiyon sa buhay, sa pamamagitan ng maingat na pag-iisip at ng may katalinuhan.

Para sa karagdagang impormasyon pa may kaugnayan sa Bugtong, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:  

brainly.ph/question/505776  

brainly.ph/question/252767  


Comments

Popular posts from this blog

Importance Of Physics In Our Daily Life?